Bad Trip
Posted on July 4, 2008 at 11:27 am
326 words in post | 01 comment

Totoong mabilis ako mainis pero mabilis din ako matuwa. Mababaw lang kaligayahan ko eh. Pero sa kabila nito, mabilis ako makapansin ng mga bagay na magpapainit ng ulo ko.

  1. Araw araw ko nakikita si Fugly at hanggang ngayon bitter pa rin sya. Sobrang bitter nya, di ako kasama sa mga CC nya. Hehehe..
  2. Madalas mo akong asarin sa chat, kung minsan tuloy napapanaginipan na kita.
  3. Araw-araw akong taxi. Ang laki tuloy lalo ng gastos ko. Tapos commute papunta dun sa pagawaan ng kotse. Haysus. Ang iniiiittt..
  4. Yung final pay ko sa Combergis, hanggang ngayon kulang pa rin ng 10K.
  5. Nabubulok na yung theme ko sa pinkypowder.com. Wala pa ako sa IVY, theme ko na yun.
  6. Hirap ako matulog. Kelangan ko pa mag-two bottles ng vodka.
  7. May mga tao na ginagawang teleserye ang kilos ko. Oo, inaabangan ako araw-araw. Madalas ko sila mahuli nakatingin. Kulang na lang SLR na camera, flash at bodyguard, celebrity na ako. Medyo masaya ang feeling. Kunyari artista ako at paparazzi sila.
  8. Isa-isa nawawala ang mga naging kaibigan ko sa office.
  9. Miss ko na ang kaibigan ko sa CVG.
  10. Miss ko na rin ang mga college friends ko.
  11. Gusto ko bumili ng Pepe Tees kaso wala akong Globe GCash at tamad din ako magdeposito sa BPI. Yan lang ang mode of payment na tinatanggap nila. Hay naku.
  12. Gusto ko magshopping sa Marks & Spencer. Miss ko na tuloy si Daddy, lagi nya ako nima-Marks dati.
  13. This is the longest two weeks of my life.
  14. Pilit ako nag-iisip ng magandang decals para sa kotse pero parang sagad talaga utak ko.
  15. Gusto ko na magpa-straight ng buhok. Nagsasawa na ako sa kuh-lot.
  16. Habang ang karamihan ay off ng three days, ako one day lang. Dahil may hahabulin akong RDOT. Gawd!

   Filed under aggressive, bad me, biatch, blogging, bored, combergis, convergys-sucks, crazy, fugly



« Previous Entries

My name is Kuku, young at heart, funny, noisy and loves to be at social gatherings. 26 years old and a mommy to a one-year old toddler. Here, you will see more of me. Ciao! ♥



Layout by DHADHA